Tuesday, September 17, 2019

LSS (LAST SONG SYNDROME)





LSS o tawagin nating "Zack and Sarah's Infinite Playlist".

Kasama ko ang bestfriend ko manood nitong pelikula. Hindi niya nagustuhan. Ako, okay naman. Lista ko na lang ang parts na parehas namin hindi nagustuhan sa movie, interesting parts at napansin. Una muna ang hindi namin nagustuhan at napansin:

1. Gabbi Garcia's miscast at acting. Siguro if si Glaiza De Castro, Anna Luna o Gabby Padilla ang gumanap, ibang level siguro ito. (Parehas kami ni bff sa opinyon. Sabi ni bff, kung si Glaiza iba dapat ang leading man.)

2. Parehas namin na ayaw ni bff. Eksena sa bus na nagkasundo agad dahil sa music. Paano po kung pangit, let's say si Sarah o Zack? Saka in reality, hindi ganito. So, pokmaru pala dahil ba ito sa matinding traffic sa EDSA at C-5? Charot! (Pelikula ito at fictional kaya pinagbigyan ko pero iyong bestfriend ko di talaga natutuwa).

3. Confrontation scene nila Tuesday Vargas, Khalil Ramos at Bernard Palanca. ('Yong bestfriend ko nagreact, anong nangyayari? Out of place ata. Ako naman, may na-out of place).

4. Last scene sa Wanderlast, uy "Begin Again" meets "The Love of Siam" ang peg. Teka, nag-I Love You si Khalil tapos narinig ni Gabbi at nag-I Love You too. Maingay at maraming tao sa music festival. May telepathy po si Virginia P. este Sarah P.? Akala ko The Rape of Virginia P. Sandali, Miss Granny? (Parehas namin napansin ni bff)

5. Anachromism (Napansin ko): Habang naghahanap sa online streaming channel ang mag-inang Tuesday at Khalil, (Take note 2017 ang milieu), nahanap nila ang "Kung Paano Siya Nawala". 2018 pinalabas ang pelikulang nabanggit. (Sinadya ata ng filmmaker. )

Interesting parts sa movie:
1. Pinakahighlight, we believe ni bff, ang subplot ng karakter ni Iana Bernardez. Gusto namin ang Kathang-Isip scene kahit may halikan ang dalawang babae. (Kaso 'yong halikan nila Gabbi at Khalil parang awkward ang dating. Not being conservative, okay na iyong yakapan muna. Siguro, para magical? Sinadya ata ng filmmaker.) Siguro kung ang kwento as a whole ng pelikula ay tungkol kay Iana. Panalo!

2. Ben and Ben Music at acting nila na cute kasi natural. (Parehas kami ni bff)

3. Modern take ng mother-son relationship nila Tuesday at Khalil. Super kakamiss si Tuesday Vargas! (Parehas kami ni bff)

4. IMO, nagagalingan ako kay Elijah Canlas as kapatid ni Gabbi Garcia.

5. IMO, okay naman na hindi lang tumutok kanila Gabby at Khalil lang ang istorya. 

6. IMO, chill lang ang pelikula. Fume-feel good. 

Final Judgment ni BFF: para akong nanood ng music video na pinahaba at ginawang pelikula.

Final Judgment ko:
Okay naman ang pelikula. Mas gusto ko naman ang LSS kesa Zombadings. Pero kung papipiliin ako sa pagitan ng Bakwit Boys at LSS, mas pipiliin ko ang Bakwit Boys. 




CIRCA



Ito na naman ang experience ko na mag-isa lang ako nanood sa Cinema '76 parang last year noong pinanood ko ang We Will Not Die Tonight. 

Kwento ito ni Donya Atang (Anita Linda), isang movie producer noong panahon ng studio system sa Pinas. Umabot siya ng 100 taon kasabay ng selebrasyon ng di mawari kung kelan ba talaga ang centenario ng pelikulang Pilipino. Dahil na rin sa kanyang katandaan ay humihina na ang kanyang memorya. Wala ni isa sa kanyang mga anak (Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao at Laurice Guillen) ang nagkainteres ipagpatuloy ang paggawa ng pelikula pero ang kanyang apo na si Michael (Enchong Dee) ay nais maging direktor ng pelikula. Isa sa surpresa ni Michael sa lola ang dumalo sa kanyang 100 kaarawan ang mga dating nakatrabaho nito. Maisakatuparan kaya ito ni Michael?

Sa pelikulang CIRCA, na-impress ako kay Enchong Dee. Noong Enero, siya ang bida ng pelikulang ELISE at nagalingan ako sa kanya. Samantalang sa Circa naman, siya ay supporting actor. Makikita ang maturity niya as an actor dito. Mula sa comedy ng Elise ngayon naman ay sa serious na Circa. (Aminado, di ako fan ni Enchong sa mga earlier movies. Hanga lang talaga ako sa Elise at Circa niya. Aside from gwapo siya, moreno at hunkie, may mga mannerisms siya pag umaacting na ayaw ko pero to be fair with unti unti na itong nawawala. Saka magaling na pumili siya ng role tulad dito sa Circa at Elise.) Kumbaga, nagustuhan ko siya dito. 

Isa pang hinangaan ko sa pelikula ay si Jaclyn Jose bilang Meding. Siya ang nag-aalaga kay Donya Atang. May mga funny moments si Jaclyn Jose kahit pa seryoso ang pelikula. Kahit pa caregiver siya, siya ang nagsisilbing saksi sa mga pagbabago sa mansyon ni Donya Atang. Sa huli, maaaring maikumpara sa karakter ni Jean Louis Trintignant sa pelikulang "Amour" ang role ni Jaclyn Jose dito.

Kahit maikli lamang ang kanyang screen time, nakakatuwa si Erlinda Villalobos. Pinaghalo kasing Moody Diaz at Lilia Cuntapay ang kanyang karakter dito. 
Siyempre, magkahalong emosyon na makita si Eddie Garcia na gumanap bilang artista din ni Donya Atang. 

Magaling din naman sina Gina Alajar, Elizabeth Oropesa, Joel Saracho at Menggie Cobarrubias. Nakakatuwa din na makita sina Anita Linda at Rustica Carpio parang reunion ba ito ng pelikulang "Lola" (2009) ni Brillante Mendoza. At ang makita na umaarte pa si Anita Linda sa edad niya talagang hanga din ako.

Nasaktuhan din talaga ng pelikulang CIRCA ang selebrasyon daw ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino. Ang tanong kelan ba talaga? Kasi 2017 pa lang sabi 100 years na. This year ang official?

Anyway, na-appreciate ko effort ni direk Adolf Alix sa kanyang pa-tribute sa 100 Years of Philippine Cinema. Given na isa siyang masugid na direktor ng ating bansa lalo't active siya sa pagdirek sa TV at gumawa ng isang kontrobersyal na pelikula nitong taon. "Bilangin ang Bituin sa Langit" pa lang ata ang napanood kong pelikula patungkol sa tribute sa Philippine Cinema. Sa kabilang banda, may mga elemento ang pelikula na may pinagkuhanang inspirasyon. Tulad na lamang ng kapreng pinaniniwalaang tumutulong sa negosyo ni Donya Atang. Ang mga matatanda kasi noon naniniwala sa ganyan pero in filmmaking kita yan kay Thai direktor Apitchapong. Maganda din na tinalakay ang pagpreserve at archive ng mga lumang pelikula. May bahagi sa pelikula na pinag-usapan ang "vinegar syndrome" ng mga rolyo ng pelikula at kung interesado ba sila na i-digitize ang pelikula. 

Hindi for everybody ang pelikulang ito dahil sa style at treatment pero kung mahal mo ang pelikulang Pilipino tiyak magugustuhan mo ito. Saka tatak Adolf Alix talaga ang direksyon. May mga bahagi ng pelikula na parang TV movie ang peg. Mapapansing hindi masyadong gumamit ng musika at natural sound ang ginamit pag may pag-uusap sa pelikula.

Para sa akin, nagandahan ako sa pelikula.



Sunday, August 18, 2019

PARASITE (2019)





"Get out of my house! I don't need a parasite!" - Melissa (Maricel Soriano) in Separada. Charot! 


Shocking itong PARASITE. Ang pansin ko sa dalawang magkasunod na Palme D'Or Cannes Film Festival. SHOPLIFTERS ang nanalo last year tapos this year ay “Parasite”. Parehas na ang Parasite at Shoplifters ay tumatalakay sa isyu kung paano makaka-survive ang pamilya sa pang-araw araw na buhay. At parehas din na tinalakay sa pelikula ang mga sosyopulitikal at sosyoekonomikong isyu. Isa pang mapapansin sa dalawang pelikula ay na-push to the limits at hindi kumbensyunal na paraan ang ginawa ng dalawang pamilya. Hindi poverty porn type ang pelikula. AT NAKAKAGULAT ANG TWIST ng parehong pelikula. PERO to the nth intense level itong PARASITE. Gripping at parang spellbinding novel ang pelikula. Napakagaling ng screenplay, well-acted at superb ang direction. Napakaganda ng pelikula. 

Isang mahusay na halimbawa ng pelikulang gumamit ng "plant and pay-off device" ang PARASITE tulad na lang sa eksena kung saan ang binigay ng kaibigan ni Kevin na rock display ay sa kalaunan ay gagamitin ni Kevin upang makapaghiganti sa mag-asawang sisirain ang plano ng isang pamilya nais lamang makaahon sa kahirapan. Subalit, ito rin ang ikakapahamak niya. 

Ang basement na sa una'y pinagtataguan ng dating caretaker at katulong sa bahay pati ng kanyang asawa. Sa kalaunan din ay pagtataguan ng ama ni Kevin.

Maganda rin na pinakita sa pelikula ang tunay na kalagayan ng ibang Koreano. Madalas mapanood natin sa K-Drama na marangya ang kanilang buhay at maayos ang sistema ng kanilang pamumuhay sa bansa. Meron din palang naghihikaos.

Paborito kong eksena ay ang pagtakas ng mag-aama sa bahay ng mga Park kung saan naabutan sila ng malakas na ulan o bagyo at bumaha sa lugar nila. Dito nakita ang realidad ng buhay ng ibang Koreano at patunay na dapat humarap sa consequences ang pamilyang nagkunwari upang matikman panandalian ang karangyaan.

Sa eksena ding iyan, para siyang eksena sa pelikulang "Buy Bust" kung saan umuulan at tatakas na sina Nina Manicad at iba niyang kasama.

Saturday, August 17, 2019

CHILDREN OF THE RIVER




Mahilig ang pelikulang Pilipino gumawa ng sariling bersyon ng mga sikat na pelikula tulad ng "Kasalanan Bang Sambahin Ka?" na ating bersyon ng "Fatal Attraction” at "Moments of Love" na pinaghalong bersyon ng "The Lake House" at "Somewhere in Time".

Noel Comia, Jr. as Elias/Elia = Elio and Juancho Trivino as Ted = Oliver in somewhat a Filipino version of the phenomenal "Call Me by Your Name". Okay naman ang pelikula. 

Sana tumutok na lang sa coming-of-age and identity crisis issue kasi sa aking opinyon disengaged ako sa pag-insert ng subplot sa mga kaibigan ni Elias. May mga eksenang natuwa ako tulad sa pag-encourage ni Pepsy kay Elias at pagtanggap din ng tatay na sundalo (played by Jay Manalo) kay Elias pero may mga dialogues na hindi sincere o genuine ang ibang characters sa pagtanggap sa pagkatao ni Elias at ang mga malabong dialogues tulad sa paano nalaman ng tao ang pagkatao ni Elias? Maski ang tahasang pagsabi ni Elias kay Ted ng linyang, “Salamat. Kung hindi dahil sa iyo, di ko makikilala at matatanggap kung sino ko.” Samantalang, hindi pinakita sa pelikula na umamin harapan si Elias kay Ted.


May mga pelikulang hindi masyadong nilalahad ang pagkatao ng isang tauhan sa pelikula pero mararamdamang alam ito ng mga katuwang na karakter. Sa aking palagay, maaaring ganyan sana ang ginawa sa pelikula. Isang magandang halimbawa ang aking paboritong coming-of-age film na “The Love of Siam” na sana ay napanood din ng filmmaker para maging gabay niya.


Talagang hanga naman ako sa husay ng batang aktor at singer si Noel Comia, Jr. Pero, hindi ko talaga maiwasang matawa sa pagtatangka ng pelikulang gayahin ang “Call Me by Your Name”.

Napansin ko din sa pelikula na halatang set-up ang lighting sa bench scene nila Elias at Ted. Nagmukha tuloy itong head light.

Thursday, August 15, 2019

F#*@BOIS



Another found story based sa isang crime na kinasangkutan ng mga trending na cute twink boys na sina Christian Lloyd at Matthew Ivan noong 2016 na nakapatay ng barangay Captain. 

Sa pelikulang ito, imbes na kapitan ay mayor ang napatay. 

Sa eksenang nag expressway sila, naalala ko ang pelikulang “Kinatay” ni Brillante Mendoza dahil sa mga shots. Sa pagpunta nila sa isang resort, naalala ko naman ang pelikulang “Jino to Mari” lalo sa pagsalubong ni Ruby Ruiz. Si Ruby Ruiz ay parehas mapapanood sa “Fuccbois” at “Jino To Mari” 

Sa aking opinyon, nakakatuwa na pinakita ang mga eksena sa male beauty pageant hindi dahil enticing ang mga pakita ng abs nila ng mga pangunahing actor sa screen kasi ngayon lang ako nakapanood na male contest o pageant na bahagi ng kwento sa pelikula pero sana pinalawak ang part na iyon ng istorya sa pelikula. 

Sana din may backstory paano nakilala si Brithanygaile o si "come to mommy" bago nangyari ang shocking events. 

Hanga ako sa tapang nila Royce Cabrera at Kokoy De Santos lalo't hubo't hubad sila sa mga eksenang hindi biro gawin. At sympre, for Best Supporting Actor win talaga si Ricky Davao dito na medyo naalala ko ang character ni Gabby Eigenmann sa pelikulang "Swipe" sa pagiging foot fetish nya. 

Ang final scene nitong Fuccbois reminded me sa last scene ng pelikulang "Sibak: Midnight Dancer" (1994). Over-all, okay naman ang pelikula. Ka-bitin lang talaga at nakukulangan ako.

P. S. Nanood si Jak Roberto sa screening nito kagabi sa Trinoma. Sina Jak Roberto at Lucho Ayala ang gumanap ss reenactment ng Christian Lloyd at Matthew Ivan incident sa Imbestigador noong 2017.  


JOHN DENVER TRENDING



"LIKE AND SHARE PARA MAKARATING KAY TATAY DIGONG"

"Bakit mahirap lang ba ang pwedeng magnakaw ng iPad?"

Maaring cliche na ang mga sumusunod na salita: compelling, gripping and haunting. Yan ang mga naiisip kong salita habang pinapanood ang "John Denver Trending".

Ito ay kwento ng isang ordinaryong batang nagbago ang buhay matapos maging viral ang video ng kanyang pananakit sa kaklaseng nambintang sa kanya ng pagnanakaw ng iPad. 

Napakahusay ng batang si Jansen Magpusao bilang John Denver at ni Meryll Soriano na gumanap na kanyang inang si Marites.

Dama ko sa pelikula ang paranoia pati ang trauma ni John Denver na dulot ng pag-iba ng trato sa kanya ng mga taong nakapanood ng video lalo na ang trato sa kanya kung paano na ang mga nasa katungkulan ang dapat sana ay tumulong sa kanya. Maganda rin na naipakita sa pelikulang ito ang mga kaganapan sa eskwelahan na hindi nalalaman ng magulang tulad ng bullying.

Isa na rin sa hindi malilimutang nanay ng pelikulang Pilipino si Marites. Handa niyang ipagtanggol ang kanyang anak sa mga taong hindi sila pinaniniwalaan. Marahil ang role na ito ay maaring nabigay kay Maricel Soriano noong prime years niya kaya naman sa pagtanggap ni Meryll Soriano ay talaga naming bumagay sa kanya.

Napakagaling ng direksyon at screenplay ni direk Arden Rod Condez maski ang sinematograpiya, musika at iba pang aspeto ng pelikulang ito.

Kung sa Denmark ay merong “The Hunt” at sa Brazil ay merong “Liquid Truth”, kung saan parehas sa pelikulang ito ay tinalakay ang maling pag-aakusa sa dalawang lalaking may makulay na nakaraan. Sa “Liquid Truth” at “John Denver Trending”, parehas naman na pinakita ang disadvantage ng social media lalo sa one-sided na paggamit ng viral na video. Ang dalawang pangunahing tauhan sa “Liquid Truth” at “John Denver Trending” ay parehas na nagdusa sa panghuhusga ng mga taong nakapaligid sa kanya na walang konkretong basehan.

Sunday, August 11, 2019

MIDSOMMAR (2019)




Hindi ako mahilig sa horror pero nagandahan ako dito sa Midsommar. I find it creepy at disturbing. Ang maganda sa pelikula ay depicted ang isang toxic romantic relationship ng isang babaeng may anxiety issues na saktong may pinagdadaanang matinding pagsubok at isang boyfriend na napipilitan na lang sa relasyon.

Sakto, may pa-fiesta 'yong isang barkada sa Sweden. Meron din thesis barkada kaya kinuha nila ang opportunity para may topic o case study na din. Vulnerable pa naman si Dani (Florence Pugh) dahil nagrerecover pa sa suicide ng kanyang kapatid na nadamay pati ang magulang nila. Kaya sumama na din siya to divert her attention.

Ang isang nakakaenganyo na lugar ay unti-unting naging bizarre/weird dahil kulto at occult pala ang festival kuno na ito.

May style sa film na ala-Kubrick meets Noe ang mga shots at cinematography sa pelikula. Ang hinangaan ko dito ay si Florence Pugh. Mahusay niyang nagampanan ang isang napakahirap na role na isang babaeng may anxiety at co-dependency issues.

Hanga din ako sa hindi paggamit ng music sa mga parts na intriguing at nagdeal sa grief ni Dani pati ang production design.

Hindi para sa lahat ang pelikulang ito lalo't slow paced baka katulugan. May mga naglabasan sa sinehan kalagitnaan ng movie sakto naihi ako kaya nalaman ko ang dahilan. Boring daw kasi ang film.

Lesson sa movie: mag-research muna regarding sa festival at lugar baka matulad sa mga tauhan ng pelikula.